Patama Quotes Nga Ba O Inspirational Quotes?

Oooppsss… hindi ito si friend na nakaka-inis ah…

Patama quotes nga ba ang mga post ni friend o sadyang nang-i-inspire lang? Lalo na sa social media, actually hindi lang si friend, andami nila…

Ang totoo, hindi na rin sila nakakatuwa minsan no…

Ang mga sumusunod na friends natin ang tinutukoy ko…

  • Isa diyan, ang nagyayayang magkape… Napasama ka na rin ba sa kapehan? Nasayang ba oras mo or may natutunan ka naman?
Patama Quotes

Naaalala mo pa ba saang kapehan kayo pumunta noon? (Photo: MountInn Bakuriani)

  • Pangalawa, sa messenger biglang nangumusta o kaya naman ang kulit-kulit.
    Pati sa e-mail, ilang beses kung maalala ka sa loob ng isang araw.
  • Pangatlo, sa facebook- bragging ang dating ni friend… either perang kinita, travel photo, OOTD… name it, mahaba pa ang listahan.

Sila rin ang may mga status na ganito. Patama quotes ang dating minsan.

Patama Quotes

Photo: The Cross, Mestia, Georgia

  • Pang-apat, ang mga tipong…
    “Ask me how,” “PM me.” Sila rin minsan ang mga home-based or nag-quit sa trabaho or nakacheck-in sa luxury properties.
  • Panglima, nagpost sa FB ng link na may click-bait title, tapos di mo maopen kasi free data tayo besh.
  • Pang-anim, in-add ka sa group or ininvite ka to like his or her page, sapilitan…
  • Pangpito, si besh nag post ng “gusto mo bang kumita ng pera gamit ang— laptop, fb, cellphone, online…
Patama Quotes

Benta natin laptop mo, sigurado pera na yan…

  • Pang-walo, si friend na may side comment kasi nag-shopping ka after mong magdecline sa business offer rason mo eh wala kang pera.
  • Pang-siyam, comment mo na lang besh if meron pa. Sila lang ang mga naisip ko sa ngayon.

Emotional Why
Pero alam mo ba… Si Friend, siya yung may mga emotional why. Kumbaga, ‘yung may mga pinagdadaanan or pinaghuhugutan. Ginagamit niya ang mga ‘yun para ma-achieve ang mga goals niya sa buhay.

Kaya tingnan mo siya, massive action talaga si Beshy.

Try mo siyang kumustahin at tanungin ng emotional why niya. Malamang, madadala ka pa sa kuwento niya.

Patama Quotes

Ito ang sabi ni besh… (Photo: Svaneti, Georgia)

Goal Oriented
Si friend din ‘yung tipong pursigido. Goal oriented at achiever kasi siya. Pansin mo makulit si friend?😊 ‘Yun ang passion niya eh, ang mangulit at sinamahan ng pagsisikap.

Pero di ba minsan, naiimpluwensiyahan ka niya at natututo kang makinig sa kanya? Gift kasi ‘yon at ginagamit niya ang abilidad na ‘yon sa paraang naisip niya na matutulungan ka rin niya.

Persistent
Strategy ni friend ‘yun. Kung may katangian man si friend na sana matularan mo ay yun nga- ang pagiging persistent.

Umay na umay ka na di ba, unfollow na nga sa fb minsan ang ginagawa mo.

Kaya lang si friend, ayaw sumuko. Akala lang kasi natin walang pumapansin, pero alam mo bang si friend… May emotional why.

Kaya push lang ng push.

Patama Quotes

Achieve na achieve! (Photo: Ushguli, Georgia)

Malamang isang umaga, magugulat na lang tayo. Trending o viral si friend. Kumita na si friend ng limpak-limpak na pera sa paraang pinaghirapan niya.

Persistent kasi siya at buwis-buhay siya pagdating sa pagiging persistent.

Si friend din ‘yung tipong nadi-demotivate rin minsan. Ang tanging iniisip niya (actually marami siguro siyang iniisip) ay kung paanong magamit kung anong meron siya (talent, passion, cellphone, wifi, laptop, pera, blessings, etc) to bless the world.

Oo, sigurado yan, they want to share happiness and bless the world.

Sila yung may less, sana… kapag… sakali… Action taker, ika nga.

Natutunan na nila yan sa mga taong nagtagumpay at patuloy na tinatamasa ang tagumpay. Sigurado may mga kakilala ka nang nagtagumpay.

Sila kasi ‘yung na-inspire na rin sa kwento ng iba.

At patuloy na pinapasa sa mga kakilala, kaibigan at maging sa mga estranghero.

Kaya take that massive and major action everyday. Kung hindi kaya, yung little actions work also. Hindi na ‘tu kasama sa mga patama quotes ah.

Naghahanap lang sila ng ka-tribo nila. Ang mga tipong kapareho nila ng hilig/ passion o kaya ng mga baguhang naghahanap ng paraan at maaring sila ang makakatulong o kaya makakagabay.

Tingin mo, tina-target ka ni friend. Malamang, oo.

Tingin mo dinadaan ka pa niya sa mga patama quotes, mino-motivate ka lang. Kasi, naisip niya na kaya mo ring gawin. Umaasa siyang makakatulong rin sa’yo.

Patama Quotes

Minsan ginagawa pa nilang pamaypay ang pera. (Ang totoo, ito na lang cash on hand ko.)

SEE ALSO: How To Follow A Nomadic Heart Without Breaking The Filipino Culture

Aling friend ka sa dalawa…

Ikaw ba si friend na nag-i-invite?
O ikaw si friend na na-invite?

Ikaw ba ang nag-i-impluwensiya.
O ikaw ang na-impluwensiyahan.

Ikaw ba ang nagbi-benta.

O ikaw ang bumili?

Well, either which. Invite na kita, sa bundok.
Mamundok tayo sa Caucasus…
Masaya sa bundok, tahimik… 😊

Patama Quotes

Masaya dito! (Photo: Mestia, Svaneti)

Pero bago nyan, gagawa muna tayo ng pagkakakitaan.

Malamang pwede ‘tu sa’yo. Click mo lang ang LINK na ‘tu nang magka-alaman.

O, kaya ito… INCOME FROM ONLINE BUSINESS.

Wala namang mawawala, wala namang mababago.

Kung ‘di to para sa’yo, move on. Or comment ka na lang…may alam pa ako.

Pero friends, ito lang ha…

Kahit anong tiyaga or pagsusumikap mo. Kahit gaano pa kalaki ang kinikita mong pera or kahit matalinong-matalino ka pa. Ang mahalaga, ginagawa mo ang dapat mong gawin. Dahil ang katotohanan ay hinding-hindi mo kayang solusyunan ang lahat ng problema sa mundong ito, either as individual, or sa family or sa ano pa man.

Isa at Siya lang ang solusyon sa lahat. Kaya nawa’y ang tunay na diwa ng Pasko ay mapapasayo.

 (Ooopppsss… FYI- this post contains affiliate links, which means I earn a commission if you purchase from them, with no extra cost from you. Thank you for supporting the free content on this site.)

Louiela Ann

A dream chaser... Louiela is an OFW based in UAE... A small town girl from Kiamba, Sarangani Province... A Nurse by profession who injected herself with much wanderlust. You can find her easily online.

Leave a Comment